OUR GOD IS AN AWESOME GOD

hahah! we really do have an awesome God! :) this day was amazing! :)

share ko lang.

kaninang umaga, kinakausap ko si Lord. sabi ko nakakapagod po talaga magplano. e kasi naman sa pagplaplano ko siyempre hindi lang naman buhay ko ang apektado. damay lahat ng mahal ko. nakakapagod na maghintay. ang dami ko kasing pinagdadasal e. ayan patong-patong na tuloy yung hinihintay kong mga sagot. nakakapagod mag-isip ng solusyon sa mga problema. hay.. kahit kasi simpleng bagay problemahin daw ba?

and then it hit me.

kaya pala ako napapagod kasi umaasa ako sa lakas ko.  erase, erase. start ulit ako ng bagong prayer. sabi ko handa po akong maghintay. kasi kung anuman po yung ibibigay Niyo na sagot, alam ko it will be worth all the wait. dadating yun pag handa nang ibigay ni God at siguro pag handa na rin ako na tanggapin yun.

aba! akalain mo yun, kaninang mga bandang mag-a-alas onse ng umaga nasagot yung isa! naiyak ako sa tuwa. sa isip ko salamat po. ok nako dun kasi may nasagot ng isa. pero may ‘but wait there’s more!’ pa pala si God na hinanda para sa akin. kasi kaninang mga mag-a-alas kwatro nasagot ulit yung isa! iyak ulit ako. pero tumatawa na din ako. may pagkaSisa nga yung dating ko kanina. buti walang pumasok sa culture room/batcave. solo ko, ok lang na mag-act-act ako ever. ok talaga ang araw na ito. hindi pala ok, more than ok, it was awesome. amazing.

ulitin ko ha? our God is REALLY an awesome God.

He provides.

kelangan lang talaga maghintay.

magtiwala.

at dapat hindi rin makalimutang magpasalamat! :)

Praise God! :)

- March 7,2007; sa bagong Marine lab, MSI



3 Comments so far

  1.   Cielo on April 16th, 2007

    hi au! i like your blog. truly, God provides. akala mo, wala na pag-asa and then it either hits you right in the face or more subtly, you realize, solved na pala lahat ng pinoproblema mo. =) nice testimonial to God’s powerful love…

  2.   Christopher on May 17th, 2007

    HI Au,

    It is really amzing how God is all sufficient….
    Paul said once, “His grace is sufficient” for us to go good and to wait patiently for the “eternal weight of glory” that awaits us… Siyempre kasama mga things, that God knows, we desire not for us to be pleased but to please God..

    Isang bagsak… YES LORD YES LORD YES YES LORD… AMEN!!!!!

  3.   Mabel on June 28th, 2007

    OKay tong blog mong ito. Nun pa pala yan nasa MSI ka…hmmm, i wonder what you were praying for…and i think i have been in that situation a lot of times, even as of writing. Pati yung emote-emote, drama chuvaness…nakakrelate ako…minsan lang ang hirap pag walang makausap. Oo, siyempre pag ganun SIYA na lang kausapin mo. Pero minsan parang gusto mo may yayakap sa iyo or pat your back para lang medyo gumaan nararamdaman mo. But during those lonesome moments, di rin natin namamalayan, sa bawat luha, eh may strength din naman na katumbas.
    Naks, tama na drama…basta di ko ma-imagine ang solo-act mo ehehe, kasi ang AU na lagi kong naiimagine ay yung bungisngis.:-) At miss ko na yun. hehe.INgats!

Leave a Reply