OUR GOD IS AN AWESOME GOD
hahah! we really do have an awesome God!
this day was amazing!
share ko lang.
kaninang umaga, kinakausap ko si Lord. sabi ko nakakapagod po talaga magplano. e kasi naman sa pagplaplano ko siyempre hindi lang naman buhay ko ang apektado. damay lahat ng mahal ko. nakakapagod na maghintay. ang dami ko kasing pinagdadasal e. ayan patong-patong na tuloy yung hinihintay kong mga sagot. nakakapagod mag-isip ng solusyon sa mga problema. hay.. kahit kasi simpleng bagay problemahin daw ba?
and then it hit me.
kaya pala ako napapagod kasi umaasa ako sa lakas ko. erase, erase. start ulit ako ng bagong prayer. sabi ko handa po akong maghintay. kasi kung anuman po yung ibibigay Niyo na sagot, alam ko it will be worth all the wait. dadating yun pag handa nang ibigay ni God at siguro pag handa na rin ako na tanggapin yun.
aba! akalain mo yun, kaninang mga bandang mag-a-alas onse ng umaga nasagot yung isa! naiyak ako sa tuwa. sa isip ko salamat po. ok nako dun kasi may nasagot ng isa. pero may ‘but wait there’s more!’ pa pala si God na hinanda para sa akin. kasi kaninang mga mag-a-alas kwatro nasagot ulit yung isa! iyak ulit ako. pero tumatawa na din ako. may pagkaSisa nga yung dating ko kanina. buti walang pumasok sa culture room/batcave. solo ko, ok lang na mag-act-act ako ever. ok talaga ang araw na ito. hindi pala ok, more than ok, it was awesome. amazing.
ulitin ko ha? our God is REALLY an awesome God.
He provides.
kelangan lang talaga maghintay.
magtiwala.
at dapat hindi rin makalimutang magpasalamat!
Praise God!
- March 7,2007; sa bagong Marine lab, MSI
Comments(3)