—wow, mga one year ago na rin since my last blog post here. iba talaga nagagawa ng valentines. hahahaha!—
bisperas ng “happy valentine’s day” at kahit na masungit ang panahon napagdesisyunan kong lumabas at pumunta sa gaisano tabunok (yep, that’s the next big thing to sm here in cebu
).
dahil may hinihintay akong matunaw e kumain muna ako sa mc do. and as i nibble on my fries, a young couple sat a table away from me. highschool students to be exact base sa kanilang mga suot na pe uniform. siyempre dahil nakaupo na ako dun, wala akong magawa kundi pagmasdan sila. at siyempre hindi nakatulong na ang mga tugtugin pa sa mc do e mga pang-valentines. at dahil sa mga kadahilanang ito, my mind started wandering to my ultimate high school what-if (with matching background song
pa na “the gift” o “my gift” ata yun)
paano kaya kung nagkaboyfriend ako nung highschool? 
(kulang pa ba ng emphasis?)
well anyway, hindi pa nakakalayo ang aking nag-iinarteng utak e another group of high school students sat directly in front of me. blocking the couple from my view. lima silang mga naninilaw na kabataan. puro babae at mga naka-pe uniform din.
(nakakalahati ko na ang cheeseburger ko sa scene na ito)
at kahit wa ako kabalo masyado sa kanilang mga pinagsasabi e kitang kita sa kanilang mga nakangiting mukha at rinig sa malalakas na halakhak nila na ‘of course, ain’t it obvious’ na masaya sila. kahit yung pasweetums na couple e napapatingin na sa kanila at maging yung sikyu.
(at muli sa pag-inom ko naman ng coke float ko e naglakbay ang aking isip)
ang mga alaala ko nung highschool ay puno ng tawanan. as in. i think when i’m not studying (naka naman) e tumatawa kami sa classroom, sa canteen, sa flowerbox ba yun?, sa may hintayan sa may guardhouse at maging sa aming pinakamalaking classroom, sa sm north. naalala ko na kahit anong makita namin o marinig e in the end makakahanap kami ng something to laugh about. andun yung patintero time, yung mga crush namin na talagang hinihintay naming dumaan at iniimagine namin na nagssplash ng absolute water sa mukha at ang tanging suot lang e yung takip ng absolute sa nipples niya (ooops, now that im reminiscing this does not sound as conservative as it was then
), yung mga oras na nasa home economics elective kami at pinagtatawanan namin si mrs. fernandez na titser namin dahil sa kanyang bisaya accent (another ooops, no more laughing at bisaya pipol! i would like to believe im half cebuano na e, hahahaha!), yung mga out of this world imaginations namin like having our own game show at kung ano-ano pang ideya na just blows everything out of proportion (tipong bigyan mo lang kami ng kahit anong idea pihado may maiisip kaming nakakatawa niyan
). ano pa ba? a yung mga oras na nasa sm kami at ang lalakas ng tawanan namin at kung ano-anong kakengkoyan ang ginagawa namin. minsan nakakahiya pero the heck, we’re having fun! special mention to lay, na ever faithful kong kasama sa paghihintay kay papa sa sm. i remember some of our quantum moments like si ‘hand’? hahahah! o kamay lang ba tawag natin dun? at yung ibang boys na nakakalaro natin dun. hahahah! feeling!
at siyempre ang more mellowed laughter when i’m with my small group. sila tita edna, ida, lay, mark nestor, jess poserio, hmm, cant remember everyone na sorry.
pati ang every first friday gathering sa may mathay hall. wow.. i really miss those times..
anyway, bago mo pa sabihin na out of topic na ako e habang naiisip ko ang mga ito, i realized a few things:
1. ayos lang na hindi ako nagkabf noon. dahil siguro hindi pa ako handa nun. o dahil siguro ayaw ko lang talaga. hahahaha! joke!
feeling e no…
2. hindi naman sa bitter pero buo ang highschool experience ko. kumpleto. hindi kelangan na magkabf para maging kumpleto ang highschool life ko.
3. masaya maging bata. kahit na minsan nasosobrahan na masaya magpaka-isip bata. i wont trade my anime-filled, quantum-filled, mcnaught-and-company-filled, disney-filled, nonsense-filled highschool life. i realized na i have the right to be childish then. i grabbed that opportunity. kasi ngayon naisip ko, there are adults out there (including me,naks adult) that would still do nonsense just so they can have a feel of being a child again. naisip ko lang sayang ang pagkabata kung masyado ka nang mature sa mga times na may karapatan ka pa namang mag-asal bata. why waste it? your time of maturity will come.
4. the fourth one is a disclaimer, what i have shared are all based on my experience and opinion. i am not saying that these are all absolute truths. it may be different for you. all im saying is it worked for me. so whatever works for you, so be it. wait let me correct that, whatever is planned for you, then so shall it be. 
5. saka i am not against highschool relationships (hmm.. not entirely,baka mag-iba pag sa anak ko na.. hahaha!). ay wait.. pati pala sa mga kapatid ko big NO-NO yan. hmm.. ang labo na nitong number 5.. hahahah! 
whew! parang ang haba nun a. pero lahat yan e sakto lang sa oras na naubos ko ang aking cheeseburger, coke float at fries. at sa pag-alis ko sa mcdo, i left the girls trying to make an mtv and the couple still absorbed in their own world.